News

Online Linggo ng Wika sa Albert Einstein School Matagumpay na Ipinagdiwang

    Matagumpay na ipinagdiwang ng Albert Einstein School ang kanilang Linggo ng Wika mula ika-20 hanggang ika-24 ng Setyembre, 2021 na may temang “Filipino at mga Wikang Katutubo sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Filipino” sa kanilang paaralan sa pamamagitan ng tinatawag nilang “Online Activities”.

     Dahil na rin sa pandemyang kinakaharap ng hindi lamang ng ating bansa kundi pati narin ng buong mundo, minabuti ng paaralan na isagawa ang naturang pagdiriwang sa pamamagitan ng “Online Activities”. Sa isang linggong pagdiriwang na ito, naghanda ang samahan ng La Liga Filipina na pinamumunuan ni Haneeza Kalon, ng iba’t ibang patimpalak na naging matagumpay sa kabila ng hindi kadaliang proseso. Malaki rin ang naging papel ng mga tagapayo ng samahang La Liga Filipina sa matagumpay na pagdiriwang na ito; nabigyan ng malaking pagbati sina Ginoong Ronald Quezon at Binibining Aina Daud ng presidente ng paaralan sa kanilang mahusay na pagganap bilang mga tagapayo. Ito ay dahil na rin sa gabay na ibinigay sa kanila ng punong-guro ng paaralan, walang iba kundi si Binibining Florence G. Buat.

     Sa isang linggong pagdiriwang na ito, nagkaroon ng patimpalak sa pag-awit, pagsayaw, pagsulat, pagpinta, iispel, pagtula, dagliang pagtatalumpati, at tagisan ng talino. Ang mga mag-aaral ay hinati sa limang Division; Beginners Division (Kinder at Unang Baitang), Primary Division (Ikalawa hanggang Ika-apat na Baitang), Intermediate Division (Ikalima hanggang Ikapitong Baitang), Junior Division (Ikawalo hanggang Ikasampung Baitang) at Senior Divison (Ikalabing-isa at Ikalabindalawang Baitang).

     Sa huling araw ng pagdiriwang na ito, isang taos pusong pagbati ang ibinigay ng pangulo ng paaralan na walang iba kundi si Ginoong Edison B. Morales sa lahat ng mga importanteng personalidad; tulad ng mga magulang, mga guro at mga mag-aaral na nagkaroon ng malaking papel sa pagdiriwang na ito.

      Narito ang talaan ng mga nagsipagwagi sa iba’t ibang patimpalak na isinagawa :

Map

Albert Einstein Road, 9600 Cotabato City, Philippines

Achievements

Visitor's Counter

Today73
Yesterday86
This week73
This month3216
Total33052

2021-11-29

Program Member

Newsletter
©1982-2021 Albert Einstein School. All Rights Reserved. This website maintained by Computer Technology Wizards Club

Search