Article Category Blog

AES nakiisa sa pagdiriwang ng Araw ng Cotabato

    Ang Albert Einstein School ay nakiisa sa selebrasyon ng Araw ng Cotabato noong Hunyo 20 2016. Ito ay sinimulan ng isang parada mula sa Cotabato City Polytechnic College (CCSPC) hanggang Cotabato City plaza. Nagsimula ang selebrasyon ng 6:00 hanggang 10:00 ng umaga. Dumalo rin ang iba’t ibang estudyante mula sa iba’t-ibang paaralan at maging ang mga empleyado sa iba’t-ibang opisina ng gobyerno. Naroon din ang mga nagwagi ng Mutya ng Cotabato.

     Ang programang ito ay pinangunahan ng host na kilala bilang si ‘Nikki’. Binuksan ang pagdiriwang sa pagkanta ng pambansang awit na pinangunahan ng Cotabato City government choir na sinabayan ng lahat ng dumalo. Sinundan ito ng pagkanta ng theme song ng Cotabato City.

   Pinangunahan ng City Administrator ang selebrasyong ito sa pamamagitan ng kanyang  pambungad na talumppati. Kasabay sa pagpapatuloy ng programang ito ang paglabas o pagpapakita ng mga kalokalikes katulad nina Bong Revilla, Christopher de Leon, Jinky Pacquiao, Robin Padilla, at ang tinilian ng madla, Vice Ganda at Daniel Padilla. Sa kalagitnaan ng programa, pinakinggan ng lahat ang talumpati ng ama ng Cotabato City na si Mayor Japal “Jojo” Guiani. Sa kanyang talumpati, kanyang ipinahayag ang kanyang pagmamalaki at pagmamamhal sa lungsod.  Binaggit niya rin ang layo ng narating ng Cotabato City pati na rin ang mga parangal na nasungkit dahil sa deteminasyon at pagpupunyagi ng mga Cotabatenos.

     Ito naman ay agad sinundan ng mga pagpeperform ng mga kalokalikes  na siya namang naging highlight of the show. Naging masaya at makulay ang pagdiriwang  ng 57th Araw ng Cotabato dahil sa pagpapakita at pagpapasaya ng mga imbitadong bisita.

    Nagtapos ang selebrasyon ng Araw ng Cotabato pagsapit ng alas diyes ng umaga, kanya kanyang umuwi ang bawat dumalo na may ngiti sa kanilang mga labi at saya ng pakiramdam. Talaga nga namang hindi puro akademya ang mayroon sa Albert Einstein School, dumadalo at sumasali rin ang AES sa mga paligsahan at selebrasyon ng lungsod. Ang Albert Einstein School ay taon-taong nakikiisa sa pagdiriwang ng Araw ng Cotabato upang maipakita sa lahat na nasa puso at diwa ng mga guro at mag-aaral ang tunay na pagmamahal at pagmamalaki sa ating lungsod ng Cotabato.

©1982-2017 Albert Einstien School. All Rights Reserved.

Search