Latest News

Wikang FILIPINO, Ipinagbunyi

 “FILIPINO: Wika ng Saliksik”. Ito ang tema ng pagdiriwang ng ating pambansang wika na naghahayag ng pagsasaliksik sa mga makabagong teknolohiya . Sa paaralang Albert Einstein, talaga namang binibigyang halaga ang bawat programa lalong-lalo na ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika noong Agosto 30-31, 2018. Sa dalawang linggo ng pag-iisip,pagsasanay at paghahanda ng mga mag-aaral kaagapay ang kanilang mga guro hanggang sa dalawang araw na programa, talaga namang nasaksihan ng lahat hindi lamang ang mga talento at galing ng mga mag-aaral kundi maging ang kanilang pagmamahal at respeto sa wikang pinasimulan ng ating mga bayani.

Sampu ng samahang LA LIGA FILIPINA, ang mga pinuno ng samahan ay lubos na nagmamalaking ihatid sa lahat ang mga patimpalak na naganap sa nakaraang pagdiriwang ng Linggo ng Wika.

 Natapos ang dalawang araw na  programang ito na ang labi ng bawat isa ay may ngiti at tuwa. Ang mga ganitong patimpalak ay hindi lamang humahasa sa talento at husay ng mga mag-aaral, ito ay nagpapatibay rin sa samahan nilang magkakaklase.

 Ang lahat ng ito ay hindi magiging posible kung wala ang tulong ng direktor ng paaralang Albert Einstein na si Ginoong EDISON B. MORALES kaagapay ang bise-presidente ng paaralan na si Ginang ANGELA SIMON-MORALES. Lubos din ang paghangang nais iparating ng lahat kay Bb. FLORENCE BUAT sa kanyang paggabay at pagtulong upang isakatuparan ang programa. Hindi rin maikakailang mas naging makulay ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa tulong at masining na pagtuturo ng mga guro sa bawat klase, tunay ngang kayo ay mga bayani. At sa huli, ang  lahat ay pinagtibay ng samahang LA LIGA FILIPINA na siyang naging pangkalahatang punong-abala ng programa na pinangunahan ng tagapayong si Bb. NORMAINA A. TIBAN.

 Ang nasabing programa at paligsahan ay paraan ng paglinang ng kakahayan ng bawat mag-aaral sa paggamit ng Wikang Filipino na siyang marka ng kalayaan at simbolo ng karunungan. MABUHAY ANG PAMBANSANG WIKA NG PILIPINAS!

 

Tagisan ng Talino

Sa unang araw, nagsitagisan ang ating mag-aaral at sa mga iba’t ibang larangan at sila’y nagpakitang gilas ng kanilang katalinuhan na ibinahagi nila sa kanilang klase.                                                                                             

MGA KAMPEON:

BEGINNERS DIVISION - IKA-1 BAITANG NG KALAYAAN

PRIMARY DIVISION – IKA-4 NA BAITANG NG KAPAYAPAAN

JUNIOR DIVISION – IKA-6 NA BAITANG NG KATARUNGAN

SENIOR DIVISION – IKA-10 BAITANG NG KARANGALAN

 

DAGLIANG PAGTATALUMPATI

Tagisan sa galing ng pag-iisip at pananalita? Hindi pahuhuli diyan ang paaralang Albert Einstein!

TEMA:

BEGINNER DIVISION – MGA IBA’T IBANG HANAPBUHAY NG MGA TAO
PRIMARY DIVISION – MGA IBA’T IBANG KALAMIDAD SA PILIPINAS

JUNIOR DIVISION – MGA NATATANGING TAO

SENIOR DIVISION – MGA NAPAPANAHONG ISYU SA BANSA

 

MGA KAMPEON:

BEGINNER DIVISION – HASSANA GUNTING (KINDER AM)
PRIMARY DIVISION – LAIFA KALON (GRADE 4)

JUNIOR DIVISION – ASSYL MIRO (GRADE 6)
SENIOR DIVISION – SHANIE SABANG (GRADE 10)

SOLONG PAG-AWIT

Nasa dugo na ng batang Einstein ang pagiging biritera at mahusay sa entablado.  Kaya naman, ang pag-awit ng bawat kalahok at talagang inabangan ng lahat at sinuportahan ng kani-kanilang mga magulang at miyembro ng pamilya.

 TEMA:

BEGINNER DIVISION – MGA PAMBATANG KANTA

PRIMARY DIVISION – MGA KANTA NA MULA SA MGA TELESERYE

JUNIOR DIVISION – MGA KANTA NI ERIC SANTOS AT SARAH GERONIMO

SENIOR DIVISION – MGA KANTA NI OGIE ALCASID AT ZSA ZSA PADILLA


MGA KAMPEON:

BEGINNER DIVISION – NIZAM JUANDAY (GRADE 1)

PRIMARY DIVISION – GAZELLE CABRILLOS (GRADE 4)

JUNIOR DIVISION – PRINCESS HASSAN (GRADE 6)

SENIOR DIVISION – XYBELLE EMBLAWA (GRADE 10)

PAGSULAT

patimpalak naman na ito ay nakipagsabayan naman ng galing ang mga kalahok sa pagsulat

MGA KAMPEON:

BEGINNER DIVISION – HANNA ABDULKADIL (KINDER AM)

PRIMARY DIVISION – ZHAREAN ANTE (GRADE 4)

JUNIOR DIVISION – ELISS NANTES (GRADE 6)

SENIOR DIVISION –  DATU ARON SINSUAT (GRADE 10)

PAGTULA

Hindi rin tayo pahuhuli sa larang ng pananalita. Sila’y nagpakitang gilas sa kanilang talento sa pag tutula, masining na pagkukuwento at lyrical poetry.

TEMA:

BEGINNER DIVISION – MGA TULA TUNGKOL SA HAYOP

PRIMARY DIVISION – MGA TULA TUNGKOL SA KALIKASAN

JUNIOR DIVISION – MASINING NA PAGKUKUWENTO TUNGKOL SA HAYOP

SENIOR DIVISION – MGA KANTANG ITUTULA TUNGKOL SA KAPAYAPAAN


MGA KAMPEON:

BEGINNER DIVISION – CELESTINE CAMBEL (NURSERY AM)

PRIMARY DIVISION – ODYSSEY MIRO (GRADE 4)

JUNIOR DIVISION – ELIJAH NUR (GRADE 6)

SENIOR DIVISION – BEA MASMODI (GRADE 10)

PAGPINTA

patimplak naman na ito ay nakipagsabayan naman ng galing ang mga kalahok sa pagpinta.

MGA KAMPEON:

BEGINNER DIVISION – RAIN HERMOSO (KINDER AM)
PRIMARY DIVISION –
AL-ZHARA SINSUAT (GRADE 4)

JUNIOR DIVISION – JULHAMBRIE ANDOY (GRADE 7)

SENIOR DIVISION – NURFAIYDEN MANGELEN (GRADE 10)

LARONG PINOY

Sa pangalawang araw na ito, hindi na masukat ang saya at ang pagiging palaban ng mga batang Albert Einstein. Maraming inihandang laro sa bawat klase upang lahat ng mag-aaral ay makapaglaro. Manalo man o matalo, basta sila’y masayang naglaro kasama ng kanilang buong klase.

 

MGA KAMPEON:

BEGINNER DIVISION – IKA-1 BAITANG NG KALAYAAN

PRIMARY DIVISION – IKA-4 NA BAITANG NG KAPAYAPAAN

JUNIOR DIVISION – IKA-6 NA BAITANG NG KATARUNGAN
SENIOR DIVISION – IKA-8 BAITANG NG KATAPATAN

©1982-2018 Albert Einstien School. All Rights Reserved.

Search